Ang tema ng “Filipino Values Month”
ngayong taon ay “Pamilyang Pilipino Patatagin: Susi sa Kabataang Maka-Diyos,
Makakalikasan, at Makabansa.” Nais bigyang pansin ng temang ito ang pagiging responsable
sa pakikipagkomunikasyon sa ating pamilya at maging sa ating kapwa-tao.
Pamilya, sila yung yaman na hindi kayang tumbasan ng pera.

Ang kahalagahan ng pamilya ay
tunay na pag-ibig at pagkakaroon ng isang taong laging naroon para sa iyo,
maging sa magagandang panahon o kapag nakaranas ng kasamaang palad. Sa loob ng
pamilya, mayroong pag-unawa, pag-asa, ginhawa, payo, moralidad, mithiin, at
pananampalataya. Ang mga bagay na ito ay mahalaga sapagkat ito ay nakakadulot
ng seguridad at kasiyahan ng loob kahit anong mangyayari sa buhay.
Tayong mga Pilipino ay kilalang
mga makapamilyang tao. Sa madaming punto ng ating buhay ang pamilya ang ating
kasangga. Ang pamilya ay isa sa mga humuhubog sa ating pagkatao kaya nararapat
lamang na maging maka Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa ang ating mga
ka- pamilya sa ganun ay lalaki din tayong taglay ang mga katangiang iyon. Ayon
sa ating pagkakaalam, ang pamilya ang pinakamaliit nay unit ng pamayanan. Dito
nagsisimula ang lahat ng mga natututunan ng bawat isa sa atin. Dito sa pamilya
nahuhubog ang ating pagiging maka-Diyos; dito sa pamilya nahuhubog ang ating
pagiging makatao; dito sa pamilya nahuhubog ang ating pagiging makakalikasan; at
dito sa pamilya nahuhubog ang ating pagiging makabansa.
https://media.philstar.com/images/articles/life2-family-food-faith-friends_2018-07-28_21-43-01.jpg
No comments:
Post a Comment